|
Alam mo ba kung ano ang magaganap sa petsang ito?
Hindi mo alam? Sagot! Aba teka..
Birthday ko kaya yan.. Magiging 18 years old na ko..
Pero kinakabahan ako ng sobra.. Bakit? Bakit?!
Natatakot ako sa mga pagbabagong magaganap..
Kung matatagpuan ko ba ang aking hinahanap..
Mga bagay na hindi matatagpuan,
Ng matang nagbubulag-bulagan..
Pero, ihinto muna natin ang makatang usapan,
Simulan na natin ang tunay na diwa nitong aking kalokohan..
18 years old na ako??!!??!!
Naisip ko tuloy kung may pagbabago na ba sa aking sarili,
Sapat na ba ang aking kakayahan para magpunyagi..
Makipagsapalaran sa magulong mundo..
Nag-iisa, walang kasamang naglalakad sa kawalan..
Ang malaking tanong: Ano ba ang mga mangyayari?
Isa na akong ganap na binata..
Makakaboto na ko sa darating na halalan..
Pipili ng mga taong nagbabalat kayo lamang..
Masaya. May boses na ako.
Boses na kailanman ay hindi maririnig.
Mahina. Paos. Gasgas.
Maaari na akong magbanat ng buto,
Gamitin ang gintong pinag-aralan.
Ngunit saan kaya ako mapapadpad?
Mumunting aral ba ay magagamit ko?
Nanginginig ako sa tuwing naiisip ko,
Kinabukasang wala pang kasiguraduhan.
Kaba. Takot. Pangamba.
Pwede na akong mangibang-bansa..
Lilisanin ko na ang lupang sinilangan.
Lilipad ako gamit ang umaangat na bakal..
Maglalakbay para may matamo.
Pariwarang buhay ay patungo sa rurok ng tagumpay.
May magagawa na ako.
Makakapagpadala na ako ng pera sa bangko.
Mabibigyan ko na sila ng kahon-kahon na package.
Maraming tsokolate, damit, cellphone, PSP, atbp.
Ngunit ako ay nagugulumihan.
Lipad. Bagsak. Lipad.
Marami akong mamimiss..
Tao. Bagay. Ala-ala. Friendster. YM.
Lahat-lahat ng aking nakasanayan..
Wala akong magagawa kundi bitawan ang iba dito.
Panandalian akong mawawala.
Ngunit ako'y muling magbabalik.
Pagbalik ko, mabibigla ka..
Marami ang magbabago sa akin.
Gwapo na. Macho na. Pantasya mo na.
Di ko na masyadong malalaro ang PSP ko.
Di na ko makakatext sa mga mahal ko.
Di na ko makakapag-Friendster araw-araw.
Di ko na makaka-chat ang aking mga kaibigan.
Di ko na maririnig ang mga bagong musika.
Di ko na masasabayan ang usong sayaw.
Di na ko makakapanood ng mga paborito kong pelikula.
Lahat unti-unting mababawasan.
Mawawala. Mawala. Nawala.
Matatapos ko na ang college.
Magwawakas na ang pagsusunog ng kilay.
Wala ng quiz, assignments at project.
Di ko na makikita ang palatanong na guro.
Di ko na maririnig ang malakas na tawanan.
Lahat ng kasiyahan sa loob ng silid-aralan.
Mamimiss ko ang kopyahan pag may exam.
Ang mga asaran na nauuwi sa pag-iibigan.
Maaalala ko ang kodigo na naglipana kahit saan.
Lahat ng ito, dala-dala ko.
Teacher. Kaklase. Karanasan.
Magiging independent na ko.
Di ko na maririnig ang sermon ni Inay.
Mawawala na ang maraming kautusan.
Mga utos na tumalo sa 10 utos ng Diyos.
Mapapawalang-bisa na ang mga batas.
Pwede na ko umuwi kahit anong oras ko gustuhin.
Makakalikom na ko ng pera.
Mga bungang nanggaling sa dugo at pawis.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Boom! Mawawala ako ng matagal..
Aalis muna ako at aakyat.
Sa bundok ng aking mga pangarap.
Sa wakas, ang panaginip ay magiging katotohanan.
Di niyo ako mamimiss.
Pero umaasa pa din ako na balang araw.
Magkatotoo ang sinasabi ng matatandang bulaan.
Na kelangang ako naman ang makalimot.
Para ako naman ang maalala.
Dream. Believe.Survive.
Starstruck! Star Circle Quest! PDA! Pinoy Idol!
Mawawala na ang mga pagkakataon.
Oportunidad para maipakita ko ang mga talentong itinatago.
Lumaban sa patimpalak ng pag-awit.
Makipag-tagisan sa sayawan at gilingan.
Hindi na ako makakapagpasikat.
Talo na ako sa aking karera.
Laos. Kawawa. Emo.
Sa pagkakataong ito...
Wala ng namumutawi sa aking labi.
Ni isang salita ay wala ng mahabi.
Nawawala na ang aking diwa.
Naubos na ang walang-kwentang ideya.
Asan na? Asan na?
Muli kitang hihintayin.
Para sa aking paggising.
Tutulog ulit.
Antok. Puyat. Pagod.
Good Morning!
Good Afternoon!
Good Eve!
Goodnight!
Apir! (+_~)

:::hErDz:::