Bawal na Uhmm..

forbidden icon Pictures, Images and Photos

MicrosoftInternetExplorer4

Sa damuhang aking hinihigaan

Nakita ko’y tala sa kalawakan

Bigla ka na lang pumasok sa isipan

Nagsilbing ilaw na tanglawan…


Sa iyong sulyap at titig

Ako nga ay iyong napaibig

Lumakas ang bawat pintig

Ng pusong lubusang nadaig


Ating pag iibigang hinahadlangan

Pilit nilang tinututulan

Hindi ba nila alam ating sumpaan?

Magmamahalan magpakailanman…


Mahalaga bang sila’y pakinggan?

Na tayo’y humantong sa hiwalayan?

Paano na ang ating nasimulan?

Magwawakas ba sa hidwaan?


Tatanggapin kong wala ka na

Sasanaying di na makakapiling pa

Ngunit tandaan mo lang sana

Sa aking puso’y mahal kang talaga…


~herdz~

0 Responses