Cool Off


Lahat ng ito’y di ko inaasahan

Biglaang di pagkakaunawaan

Ginawa na lahat ng paraan

Wala rin palang pupuntahan


Paano ba natin maaayos?

Gusot at puros pagseselos

Kung di maintindihang lubos

Kapwa pusong nagpupuyos


Dati-rati’y tayo’y maligaya

Ngunit bakit unti-unting nawawala

Pagsintang nagbabadya

Ng katapusang nalalapit na…


Hindi na natin maiikubli pa

Hapding ating nadarama

Kung sa t’wing laging magkasama

Hindi na nagkakasundo pa…


Siguro nga ay kailangan na

Bigyan ng oras ang isa’t isa

Para mapag isipan na

Kung ating ipagpapatuloy pa


Wag ka sanang magagalit

Kaayusang di na mapipilit

Tamang oras ay muling sasapit

Maaalis din hapdi at pait…


CooL oFF na LanG mUna mAhaL cOh”

1 Response
  1. rizzei Says:

    hehe..ang coool! cool off nga eh..hehe. nice nice..prang kanta lng ni yengzz:) awesome read!