|
Bago sumapit ang ika-25 ng Disyembre taong 2008, marami akong hinanakit sa aking sarili, sa lahat ng taong nakapaligid sakin, at sa lahat ng bagay na aking natatanaw.. Ibang-iba talaga ang mga kaganapan na hanggang sa ngayon ay aking pinagninilay-nilayan.. Masakit isipin na wala man lang akong bagong kasuotan.. Samantalang dati-rati ay mula ulo hanggang paa, masisilayan ng lahat na bagong bili ni Inay ang mga damit ko.. Pati nga brief ko bago din.. Pero ngayon? Wala! Wala talaga.. Naiinis nga din ako sa sarili ko kasi di ko man lang naisip magsimbang-gabi, simula kasi nung maholdap ako.. Natakot na kong maglakad sa madidilim na lugar.. Baka ang kasunod na mangyari na lamang sa akin ay abusuhin ang mura kong katawan.. Ayoko nun! May nabalitaan nga ako na may nagsaksakan sa labas ng simbahan, paano kung ako pala yung saksakin? Edi hindi ko na mapipilit si Inay na ibili ako ng bagong damit.. Hayyy.. Halos umiyak na nga ako sa pamimilit.. Pero wala pa ding nangyari.. Mistulang bato ang puso ng aking Inay.. Walang awa.. Hinayaan niyang magdusa ako sa mga damit kong pinaglumaan na ng panahon.. Kahit brief man lang sana, inisip niya na maibili ako.. Kahit yun lang.. Masaya na ko.. 100 pesos lang naman ang underwear.. May tatlo sampo nga eh.. Hay ang buhay nga naman, malapit na nga siguro ang pandaigdigang krisis.. Natatakot na ko.. Ayan na! Andiyan na si Santa Claus, magsasabit na lang ako ng medyas baka sakaling lagyan ni Santa ng mahiwagang brief.. Yung brief na hindi na nilalabhan, yun bang lalong bumabango sa paglipas ng taon.. Kahit hindi kinukusot, binabanlawan, at isinasampay.. Pero nabigo ako, walang nakalagay sa medyas, kundi alikabok ng paghihintay.. Kaya heto ako ngayon, umiiyak, dahil sa sinapit kong kalbaryo.. Pasko pa naman pero ang lungkot lungkot ko.. May patunay nga ako na umiiyak eh, kasi pinalo ako ni Nanay, kaya nagkulong ako sa kwarto, umiyak.. Eto..


hehe. kakatuwa namn toh..ang cute ng mgat tagalog mo haha:) wla b s medyas? tngin k s sampayan ng kptbahay bka meron..