|
Bigla kang dumating sa buhay ko
Di inaasahang pag ibig mabubuo
Di napigilang mapamahal sa’yo
Pero ako kaya’y mapansin mo…
Sa tanikalang bituin ako’y nakatingin
Dinadama ang malamig na simoy ng hangin
Aking pinipilit na ika’y abutin
Ngunit nahihirapang ika’y kamtin…
Naramdaman ko kung minsan
Sakit at pangungulilang pinapasan
Pinipilit ng sariling ika’y kalimutan
Ngunit puso’y di ka malisan…
Pinilit kong maghanap ng iba
Sinubukang pagsinta’y mawawala
Pero sadyang puso’y tanga
Dahil sayo’y bumabalik tila…
Paano nga ba mapapawi?
Panaginip na laging mamumutawi
Sa pusong uhaw na walang maiganti
Kundi pag ibig na makasarili…
Bangungot na ayoko ng maulit
Paghilom ng damdami’y pinipilit
Tunay ngang wala kang kapalit
Pagkat sa buhay ko’y di ka mawaglit…
Kailan kaya kita mayayakap?
Kailan matutupad aking pangarap?
Kung sa tuwing ika’y kaharap
Muli na namang nahuhulog sa isang kisap…
~herdz~
Di inaasahang pag ibig mabubuo
Di napigilang mapamahal sa’yo
Pero ako kaya’y mapansin mo…
Sa tanikalang bituin ako’y nakatingin
Dinadama ang malamig na simoy ng hangin
Aking pinipilit na ika’y abutin
Ngunit nahihirapang ika’y kamtin…
Naramdaman ko kung minsan
Sakit at pangungulilang pinapasan
Pinipilit ng sariling ika’y kalimutan
Ngunit puso’y di ka malisan…
Pinilit kong maghanap ng iba
Sinubukang pagsinta’y mawawala
Pero sadyang puso’y tanga
Dahil sayo’y bumabalik tila…
Paano nga ba mapapawi?
Panaginip na laging mamumutawi
Sa pusong uhaw na walang maiganti
Kundi pag ibig na makasarili…
Bangungot na ayoko ng maulit
Paghilom ng damdami’y pinipilit
Tunay ngang wala kang kapalit
Pagkat sa buhay ko’y di ka mawaglit…
Kailan kaya kita mayayakap?
Kailan matutupad aking pangarap?
Kung sa tuwing ika’y kaharap
Muli na namang nahuhulog sa isang kisap…
~herdz~

Post a Comment